Friday, October 8, 2010

Ipagdadasal ko nalang na tama 'tong ginagawa ko. Alam ko naman na gusto kong talagang maging doktor. Ayoko lang talagang ipagpatuloy 'to kahit alam ko naman na hindi sapat yung mga natututunan ko. Siguro nga masyado lang akong nag-eexpect sa sarili ko. Pero hindi kasi ako masaya pag pumapasa lang. Nakakapangliit. Nakakadismaya at nakakawalang gana. Gusto ko, kapag papasok na ko sa med school, alam ko na sapat na 'yung foundation ko. Alam ko na meron akong natutunan at hindi lang basta pasang awa o anuman. Eh anu naman ngayon, oo nga sabihin nating mabilis 'yung human biology. Anim na taon lang doktor ka na. Pero anung silbi ng pagiging batang doktor kung wala namang sapat na kaalaman? Makagraduate man akong bata, kung alam ko naman na hindi ako deserving... At least sa psychology, maeenjoy ko pa yung scholarship ko. At pwede na akong magmed pagkatapos no'n. At graduate na 'yung ate ko. Ayoko lang sumabak sa gera ng walang sapat na sandata.




EKLAVU! :)

No comments:

Post a Comment

Write me a love letter.