Wednesday, October 27, 2010

Ceasefire

Heartbeats blend with screams
Whimpers and defeats
Slowly the world shatters
Dreams of old lovers
Gun shots and dead liars
In a span of a lull
The war has begun 

Friday, October 22, 2010

Take me as I am

Hello. I had sleepover/Happy Thursday/Horror Thursday yesterday night at Nica's condo. One of the best Thursdays of my life I can say. We had lots of fun and yawns since we slept not until early 4 in the morning. Movies, eating, Jorge and Kim on guitars and yes all those are really priceless. God, why are these people so fun to be with? I went home at 6, slept, woke up at 12 noon, ate lunch at Jollibee, went to the mall and bummed around. Hihi. Lazy Friday is lazy. ~
Figaro's Strawberry Milkshake and Blueberry Muffin
I don't know either what to do in the mall. Life's boring me.
Lasang puto lang yung muffin :(
And oh, I also had another pair of ear piercings. I don't know why. I told you I was bored. Hehe ~
I didn't go home for the long weekend since I'm watching a play tomorrow at PETA. 


(Source)
And that has been my lame update.
I want Christmas. 

Monday, October 18, 2010

Nothing like how raindrops sound serene and dream-like

I almost forgot that I dreamed of you. I know it's kind of weird that I fell asleep last night thinking that this fantasy exists only in dreams. I believe though that this would lead nowhere. Or maybe somewhere. I don't want to keep hoping. Because it's hard, when all you've got is a little hope. And I am no strong, full of guts girl who would keep going when it comes to this playful joke of life. Stop it. The ants are snatching the crinkles.

Saturday, October 16, 2010

Because you were there. No, you always are.

Let me tell you a story about Nanay.
People call her Ate Ella. Or Ate Lya (Atel-ya) without any flirt diction. She loves gardening, orchids, dogs, cute curtains, making her own Christmas lanterns and decorating her own Christmas tree using real branches from fallen trees outside the house. She's creative, strong, patient and loving. She cooks the best adobo and makes the best banana float ever. Her family, as far as I know, was originally from Visayas. She's the second wife of my mom's dad, Lolo Ano. The first one, Lola Lina died of breast cancer when my mom was 7 or 8. Nanay and Lolo didn't have any children. And I feel so lucky that in spite of that, she didn't turned out to be some sort of a villain-ish step mother to mom and aunt.

Since birth my grandparents were the ones who took care of me (and my sister). They were the ones who brought me to and fetch me from school. Nanay was always present in PTA meetings. She was the one who's there during my first communion and confirmation. Then I grew up. Went to high school. Lolo passed away. Ate went to college. And it was you, Nay, who've always been there for me. You were the one who wakes me up for school. You get up early to cook breakfast, boil water so I can take a bath without feeling cold, iron my school uniform, prepare my baon for lunch. All those years, you acted like my real mom. And I miss that. I miss you Nanay. I am always praying for you. 

Sunday, October 10, 2010

We'll never know.

Tonight I realized that I should get used to Cathy's bad habits. Even if she finds it hard to put the oil bottle's cover back after using it. Even if she smokes. Even if she sleeps in the morning and do movie marathons and talk on the phone at nights which makes it hard for me to fall asleep because lights are still on. Even if we don't have the same taste for clothes and shoes and songs and all. Even if she cannot just throw at once the shampoo sachets as soon as they're empty. Even if she doesn't put things in proper places, her shoes and used clothes and bath towel. Even if she annoys me most of the time. Even if I'm against almost her every little carelessness and filthiness and feelingness and laziness and hate for mom and pop. Even if I cannot find a friend in her, my sister, my one and only. You know what? I can never hate you at all. Maybe sometimes or most of the time. But those things are nothing and can never overcome my love for you. I may never been able to tell you this. But I love you!

Saturday, October 9, 2010

Inspiring enough that I had to keep it here.

This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.


Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.


Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.


Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.


Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?


Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.


Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”


Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?


Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.


Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.


Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything.Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.


Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo.Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.


Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?


Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon? 


Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.


Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.


I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.


Akin ang transcript na ito.


Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto.Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako. 


This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.


Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

Friday, October 8, 2010

Ipagdadasal ko nalang na tama 'tong ginagawa ko. Alam ko naman na gusto kong talagang maging doktor. Ayoko lang talagang ipagpatuloy 'to kahit alam ko naman na hindi sapat yung mga natututunan ko. Siguro nga masyado lang akong nag-eexpect sa sarili ko. Pero hindi kasi ako masaya pag pumapasa lang. Nakakapangliit. Nakakadismaya at nakakawalang gana. Gusto ko, kapag papasok na ko sa med school, alam ko na sapat na 'yung foundation ko. Alam ko na meron akong natutunan at hindi lang basta pasang awa o anuman. Eh anu naman ngayon, oo nga sabihin nating mabilis 'yung human biology. Anim na taon lang doktor ka na. Pero anung silbi ng pagiging batang doktor kung wala namang sapat na kaalaman? Makagraduate man akong bata, kung alam ko naman na hindi ako deserving... At least sa psychology, maeenjoy ko pa yung scholarship ko. At pwede na akong magmed pagkatapos no'n. At graduate na 'yung ate ko. Ayoko lang sumabak sa gera ng walang sapat na sandata.




EKLAVU! :)

Tuesday, October 5, 2010

Glimpse

We laughed together today! :))