Binili ko 'tong libro na 'to nung Biyernes dahil wala lang. Kanina ko lang natapos pero sobrang hindi ko agad nagets 'yung point. Pero okay lang, ayoko nang panghinayangan yung P150 ko (P75 dahil hati kami ng Ate ko). At isa-suggest ko parin na basahin niyo. Hehe
Masasabi ko namang maganda 'yung tema at marami namang aral na makukuha. Nakakatuwa nga eh, tingin ko talaga dapat basahin 'to ng mga kabataan ngayon. Merong dalawang punto akong gustong ishare.
Una, 'yung pananampalataya daw ng mga Katoliko.
"Mama, tinatanong po ni Kuya Galo kung Katoliko kayo."
Nanlamig ako sa tinanong ni Niko. Kung abot ko sya, talagang tinapalan ko ng kamay ang bibig nya. Napatigil tuloy si Lola sa pagkain.
"Nagsusuot ng kahit anong klase ng damit sa dalanginan, nakikipagkwentuhan at dumarating sa kalagitnaan ng pagsamba, nananalangin kung kailan lang kailangan ng tulong?" matalas ang tingin sa 'kin ni Lola. "Hindi ako Katoliko."
Pangalawa, ang pagkahumaling ng tao sa teknolohiya.
"Yan ba ang pinag-aaralan mo sa Maynila?" nakatingin sya sa t-shirt kong may picture ng computer keyboard. Hindi pa 'ko nakakasagot, nagpatuloy na sya: "Kaya mabuhay ng tao ng walang ganyan." Nginitian nya ulit ang mga bata, tumango naman yung magkapatid bilang pagsang-ayon kahit hindi naman nila naintindihan yung sinabi ni Lola. "Gaano ba katagal ang buhay niyan bago palitan dahil iba na naman ang uso?" Malumanay pa rin magkwento si Lola at maganda ang ngiti kahit nangangaral. "Walang tigil ang tao sa paggamit ng enerhiya. Lahat ng maaaring pagkagastusan ng kuryente, gagawin nila. Nabubuhay sila sa sistema ng pag-aani ng mga kayamanan ng mundo upang gawing lason at basura."
(Nakakatakot 'to kasi may sinabi pang parang end of the world.)
Anyway, totoo nga naman diba? Medyo hindi ako tinamaan diyan dahil wala naman kaming pambili ng mga makabagong gadgets. Mabubuhay naman talaga tayo ng wala yang mga yan. Pinapadali nga nito ang mga bagay bagay. Pero bakit nga ba kailangan nating magmadali? Bukas makalawa baka madapa lang tayo.